
Laging nakatatak sa isipan ko ang salitang ito ni Sir Meric.

| August 18, 2012| 9:30 AM| Kapitolyo, Pasig City|
“Makagawa ka ng isang application na kailangan ng tao na dapat dumating sakanya on demand“
Ako na lang pala hinihintay nung Seminar, na late ako ng 30minutes. Sorry Ma’am at Sir ಥ⌣ಥ
Ang dami kong natutunan sa seminar na to at ang speaker namin ay si Sir Meric Mara. Hindi siya gaya ng ibang speaker na puro salita, nagbabasa sa slides at hindi malinaw ang pagtuturo lalo na pag english pa halos lahat ang gamit na salita. Totoo na minsan hindi namin maintindihan ang ibang mga speaker lalo na pag malaki ang event ng seminar. Si Sir Meric malinaw ang pag eexplain niya sa lahat kahit minsan hindi ko na ma catch-up dahil sa kaka picture ko sakanya at ng mga slides. (Kaya dapat makinig muna at saka na ang picture)
“Iblog mo na ako ang nag singil ng bayad. HAHA” -Sir Meric
Natawa ako nung sinabi ni Sir sakin to, OO ako nagsingil ng mga bayad ng mga classmate ko. Kahit nakakapagod mag singil at least may aral na sukli sakin to. WORTH IT! (^・o・^)ノ”
Ang daming freebies na binigay sa amin like: Pin, Stickers at KahelOS Installer CD

| Our Lady of Fatima University| 4th Year IT Students | Off-Campus Seminar |


|August 25, 2012| 2:00 PM| Kapitolyo, Pasig City|
| Meric Mara | Jerico James Milo Bogart | Engr. Rhoane Tanada | Macoy Mejia | Erwin Galang | Jasper Tomas |Lawrz Libo-on|

| Ourl Lady of Fatima University | Polytechnic University of the Philippines | Rizal Technological University|
Isa lang masasabi ko sa Seminar na ito
!!MASAYA!!
A Unique Seminar I’ve Ever Attended in my Life
Ang saya matuto lalo na pag nag she-share ang mga magagaling na tao sayo. Kailangan mo lang makinig at tumutok sa mga sinasabi nila, ikaw din ang talo sa huli kung hindi mo ina-absorb ang mga sinasabi nila. Once in a lifetime lang ang mga ganitong Seminar na sobrang saya at makikita mo lang yon sa 8Layer Technologies with 8liens.
Ang dami kong nalaman like Trixbox, Android Eclipse, Asterisk, Music in Linux at sa mga dating OJT sa 8Layer. Sa sobrang daming shinare sa amin, nakukuha padin namin ito lahat kahit overload na utak ko HAHA. Nakaka intimidate sila dahil sobrang dami nilang alam tungkol sa IT. Sabi nga ni Sir Meric – Ang IT ay isang mabilis na larangan, kawawa ka kung ikaw ay mabagal. Mabilis ang henerasyon ngayon lalo na ang teknolohiya.
Sa 8Layer ka lang makaka kita at makakaranas ng ganitong pantas-aral.
[ Dito ko lang naranasan na nabunot name ko sa Raffle at sa dalawang Seminar pa! o(≧∇≦o)]

( Kinuha ko mga pictures ni Sir Meric. Sorry Sir ^__^v )

PicturesCredit to 8LayerTech
http://www.facebook.com/x8zenzic
http://www.facebook.com/pages/8layer-Technologies-Inc/113500968748875